FANDOM


Si Liwayway A. Arceo ay isang kilalang manunulat, editor at scriptwriter para sa radyo. Ayon sa isang kritikong nag-aral ukol sa panahon ng dekada kwarenta, feminista na ang turing kay Liwayway Arceo. Ito ay bago pa man mauso ang katagang feminista.

Si Arceo ang may-akda ng mga natatanging nobela gaya ng Cabal de la Reina (1985) at Titser (1995). Ipinalimbag rin ang iba't ibang koleksyon ng maikling kwento gaya ng Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), at ang Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Halos lahat ng kanyang mga gawa ay inilimbag sa pamantasan ng Ateneo de Manila at Unibersidad ng Pilipinas.

Bukod sa pagiging isang manunulat, ipinakita rin ni Arceo ang kanyang husay bilang isang aktres. Ipinamalas niya ito sa isang Hapon at Pilipinong pelikula na pinamagatang Tatlong Maria.

Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca para sa Maikling Kwento sa Tagalog (1962); isang Gawad CCP para sa Literatura na inihandog ng Cultural Center of the Philippines (1993); isang Doctorate sa Humane Letters, honoris causa, mula sa University of the Philippines (1991); ang Catholic Authors Award mula sa Asian Catholic Publishers (1990), at angGawad Balagtas Life Achievement Award para sa Fiction mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the Philippines or UMPIL) noong 1998.

Sa kabila ng pagpanaw niya noong ika-anim ng Disyembre sa taon ng 1999, patuloy pa rin ang paglilimbag sa kanyang mga akda. Ang kanyang mga isinulat ay ang nagsisilbing inspirasyon sa kanyang mga mambabasa.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.